Number coding hindi sususpendihin sa Aug. 25 – MMDA
Iiral pa rin ang expanded number coding sa Metro Manila sa August 25, araw ng Biyernes.
Ito ay sa kabila ng pagsuspende ng Malakanyang
sa klase sa public schools at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at Bulacan sa nasabing petsa dahil sa opening ceremonies para sa FIBA World Cup 2023.
Ang opening FIBA ay gaganapin sa Philippine Arena in Bocaue, Bulacan.
Mayroon ng multi-agency command center (MACC) ang MMDA para sa mas manilis na koordinasyon at traffic management response dahil sa inaasahang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Aug. 25.
Sinuspinde na din ang road works gaya ng reblocking, utility works, pipe laying, road upgrading, excavation works sa Metro Manila simula noong Aug. 17 at tatagal hanggang Sept. 10.
Ipinagbawal din muna ng MMDA ang pagsasagawa ng mall-wide sales sa mga mall sa kahabaan ng EDSA at sa iba pang lugar na apektado ng FIBA World Cup. (DDC)