P86.8M na halaga ng smuggled mga karne at frozen fish nakumpiska sa cold storage facilities sa Navotas
Nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa labingtatlong cold storage facilities sa Navotas City.
Pinangunahan ng Department of Agriculture Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement (DA-IE), katuwang ang Bureau of Customs (BOC), at Philippine Coast Guard (PCG), ang pagsasagawa ng joint anti-smuggling operation bilang bahagi ng hakbang na masawata ang agricultural smuggling.
Nakumpiska ng mga otoridad ang 364,000 kilograms ng agri-fishery products kabilang ang mga expired na karne ng baka, chicken meat, at frozen fish.
Ayon sa DA ang sinalakay na 13 cold storage facilities ay pag-aari ng Philstorage Corporation.
Tinatayang aabot sa P86.8 million ang halaga ng mga nakumpiskang produkto.
Kaugnay nito ay hinikayat ni Assistant Secretary for DA-IE James A. Layug ang publiko na i-report sa ahensya ang mga kanina-hinalang aktibidad at posibleng insidente ng smuggling lalo na ng mga produktong pang-agrikultura. (DDC)