PHILRECA Party-list Rep. Presley De Jesus sinampahan ng ethics complaint sa Kamara

PHILRECA Party-list Rep. Presley De Jesus sinampahan ng ethics complaint sa Kamara

Sinampahan ng ethics complaint si Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA) Party-list Rep. Presley C. de Jesus sa House Committee on Ethics and Privileges.

Sa reklamo na inihain ng isang Jaime N. Atayde residente ng Luna sa Isabela, hiniling nitong mapatalsik sa House of Representatives si De Jesus.

Ayon sa reklamo, nilabag umano ni De Jesus ang Section 7 ng Republic Act No. 6713 o ang
Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil hindi ito umalis sa kaniyang pwesto bilang sa Board of Directors ng Isabela Electric Cooperative-1 kahit siya ay naging kongresista.

Ayon sa complainant dahil sa kaniyang posisyon sa Kamara, may kakayahan si De Jesus na mag-apruba ng prangkisa para sa Electric Cooperative na kaniyang pinaninilbihan.

Ayon sa complainant ang isang Electric Cooperative ay kailangang dumulog sa Kamara para makakuha ng legislative franchise upang makapag-operate bilang distribution utility.

Sinabi din ng complainant na nilabag din De Jesus ang batas sa kaniyang pagiging founder, presidente, at chairman of the board ng ONE EC NETWORK FOUNDATION Incorporated.

Ayon pa sa reklamo, sa kaniyang panahon bilang kongresista sa 18th at 19th Congress, sumulat ng mga panukalang batas si De Jesus na magiging kapaki-pakinabang sa mga Electric Cooperatives.

Iginiit din ni Atayde also alleged that the first nominee of PHILRECA Party-list na nilabag din ng mambabatas ang Section 10 ng Republic Act No. 10531 o National Electrification Administration Reform Act of 2013 na nagsasaad na ang isang indibidwal na nasa public office ay hindi pwedeng mahalal o maitalaga bilang opisyal ng isang electric cooperative. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *