Pamamahagi ng school supplies sinimulan na ng Taguig LGU; LANI Scholarship Program binuksan sa mga bagong Taguigueños sa EMBO barangays
Sinimulan ng Taguig City Government ang pamamahagi ng school packages sa mga estudyante ng lungsod kasama ang mga nasa 10 bagong EMBO barangays ngayong Martes,Agosto 22.
Depende sa kanilang Baitang, ang mga estudyanteng Taguigueño ay tatanggap ng school package na binubuo ng bag, daily and PE uniforms, socks, black shoes, rubber shoes, at kumpletong set ng basic school supplies.
May karagdagang items na matatanggap ang mag-aaral ng Daycare at Kindergarten gaya ng emergency contact cards, at health kit na may kasamang bag, toothbrush, toothpaste, hand towel, at alcohol spray.
Personal na pinangasiwaan ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi ng school supplies sa mga estudyante sa Pitogo High School at Upper Bicutan Elementary School ngayong araw.
“More than the material things na itu-turn over, ang presence po natin ngayon ay testament sa kahandaan nating lahat to really support our learners, to really support their dreams and aspirations in life, and to do our best to show them that we are ready to cooperate—handa tayong magkaisa pag ang pinag-usapan ay ang kanilang future,” sabi ni Mayor Lani.
Binigyang-importansiya naman ni Pitogo High School Administrative Officer Dr. Mary Rose M. Roque ang turnover ng school supplies at sinabing mahalaga ang araw na ito, ang araw na sama-samang winelcome at niyakap ang pagbabago,pag-unlad at ang pangako ng kinabukasan.”
“The act of receiving these supplies signifies the transition of one phase to another, a transition that is marked by anticipation, enthusiasm, and a sense of readiness, to explore the uncharted territories of knowledge. Therefore equipping our very own students the means to express themselves and flourish,” ani Roque.
Nakipag-usap naman si Mayor Lani sa mga estudyante na nakatanggap ng sa Pitogo High School at tinalakay ng alkalde ang iba pang programa at benepisyo para sa Taguig learners kung saan nagpasalamat ang mga ito sa lungsod.
Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng school supplies sa lahat ng EMBO schools at sa iba pang paaralan sa District at 2 ng Taguig hanggang sa matanggap ng lahat ng estudyante ang kanilang school packages.
Inilunsad din ng Taguig LGU sa Pitogo High School ang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program para sa mga estudyante ng EMBO barangays kung saan inialok ang scholarships hindi lamang para sa mga Senior High School graduates kundi sa lahat ng kuwalipikadong residente ng 10 na bagong barangays ng lungsod.
Para sa kumpletong alok na listahan ng scholarship at requirements, bisitahin ang taguig.gov.ph o Taguig Scholarships official Facebook page.
Ang lahat ng estudyante na nagnanais mag-apply ay maaaring sumangguni sa Taguig Scholarships Office sa Senator Renato Compañero Science and Technology Memorial Science High School sa Barangay Ususan.
Maglalagay din ang lungsod ng satellite Scholarship Desk sa 9th floor, Taguig Satellite Office, SM Aura Tower upang sagutin ang mga katanungan ukol sa scholarships at tumanggap na rin ng mga aplikasyon.
Maaaring tumawag ang mga aplikante sa Scholarships Office sa (02) 828-88560 o magpadala ng mensage sa Taguig Scholarships Facebook Page.
Nilinaw ng Taguig na hindi magiging isyu ang residency o registration requirements dahil kikilalanin nila ang residency at registration sa EMBO barangays bilang valid at sapat na pagtalima.
Handa rin ang Taguig na ibigay ang parehong komprehensibong mga serbisyo sa mga bagong residente. (Bhelle Gamboa)