Potato corner nag-sorry sa viral na ‘discriminatory’ job posting
Humingi ng paumanhin ang Potato Corner matapos mag-viral ang post nito para sa paghahanap nila ng mga bagong staff.
Binatikos ng netizens ang job hiring post ng Potato Corner dahil sa mistulang pang-beauty pageant umano ang hinahanap nitong staff bunsod ng mga inilatag na qualifications.
Ayon sa pahayag ng kumpanya, hindi nila sinusuportahan ang discriminatory hiring.
Nagbibigay umano ang kumpanya ng equal opportunities para sa lahat at nagbibigay ng patas na pagkilala at reward sa kakayahan, pagsisikap at positive outcomes ng kanilang mga staff.
Tiniyak ng Potato Corner na muling sasailalim sa review ang kanilang procedures para hindi na maulit ang parehong sitwasyon.
Sa kumalat na job hiring post ng potato corner para sa kanilang service crew, nakasaad na kabilang sa kwalipikasyon ay ang pagkakaroon ng “good visual impact” at “pleasing personality”.
Dapat ding may clear complexion at good set of teeth. (DDC)