Pamamahagi ng cash assistance ng DSWD sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo sa Mountain Province, malapit ng makumpleto
Halos 100 percent ng tapos ang pamamahagi ng cash assistance sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon sa Mountain Province.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa datos ng kanilang Field Office (FO) sa Cordillera Administrative Region (CAR) 383 mula sa 389 na beneficiaries ang nabigyan na ng tulong-pinansyal.
Katumbas ito ng 98.71 percent ng target beneficiaries sa lalawigan para sa Emergency Cash Transfer (ECT) program.
Ayon sa DSWD ang mahigit 1.5 million pesos na halaga ang naipamahagi sa nasabing bilang ng mga beneficiaries.
Ang ECT payout ay base sa direktiba ni DSWD Secretary REX Gatchalian n madaliin ang pamamahagi ng ng ECT sa mga residenteng naapektuhan ng magkasunod na bagyong Egay at Falcon.
Ito ay upang makatulong sa mga residente para sa kanilang pangangailangan gaya ng pagkumpuni sa nasira nilang bahay. (DDC)