Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ang pagyanig sa layong 14 kilometers northeast ng Baganga 6:02 ng umaga ng Martes, Aug. 22.
May lalim na 26 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)