Kahon-kahong sigarilyo na hindi dokumentado nakumpiska ng BOC sa Batangas City

Kahon-kahong sigarilyo na hindi dokumentado nakumpiska ng BOC sa Batangas City

Nakumpiska ng mga otoridad ang 231 master cases at 391 reams ng undocumented na mga sigarilyo sa Barangay Cuta, Batangas City.

Isinilbi ng Bureau of Customs (BOC) ang letter of authorization at mission order sa may-ari ng warehouse at saka nagsagawa ng imbentaryo.

Katuwang ng BOC sa operasyon ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) habang ang Coast Guard K9 Force ay nagsagawa ng paneling inspection.

Ayon sa BOC Batangas, binigyan ng 15-araw ang may-ari ng warehouse para magpakita ng dokumento at patunayan na nagbayad ito ng buwis para sa nasabing mga produkto.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act of 2016, sasailalim sa forfeiture proceedings ang mga produkto kapag nabigo ang may-ari na magpakita ng dokumento na magpapatunay na nagbayad ito ng duties at taxes.

Dinala pansamantala sa warehouse sa Sta. Ana, Maynila ang mga nakumpiskang sigarilyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *