Pangulong Marcos nakikitang malaki ang potensyal ng Pilipinas para maging major player sa e-vehicle industry

Pangulong Marcos nakikitang malaki ang potensyal ng Pilipinas para maging major player sa e-vehicle industry

Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtutulungan ng public at private sectors upang ang Pilipinas ay maging major player sa e-vehicle industry.

Ayon sa pangulo, nakikita niyang may potensyal ang bansa para sa produksyon ng EVs.

Sa pahayag na ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO), binanggit ni Pangulong Marcos sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Job Sector Groups sa pulong sa Malakanyang na ang bansa ay magiging bahagi ng global chain para sa EVs.

Kaugnay nito ay inatasan ng pangulo ang PSAC-JSG na magsumite ng kumpletong listahan ng kanilang proposals na iprinisinta sa palasyo.

Ayon sa PCO, ansa taong 2026 ay inaasahang malalampasan ng global EV sales ang bentahan ng non-EV.

Sa ngayon ayon sa Malakanyang, pito sa labingwalong common automotive components ng sasakyan ay ginagawa sa Pilipinas.

Ang Pilipinas ay nasa pang-apat din sa buong mundo pagdating sa copper reserves. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *