Mahigit 200 residente na naapektuhan ng bagyong Egay sa Aparri, Cagayan tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa DSWD
Mahigit 200 residente mula Aparri, Cagayan na naapektuhan ng bagyong Egay ang nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD, 203 na residente ang nakatanggap ng cash aid sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) ng kagawaran.
Una ng inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang DSWD Field Office – 2 na madaliin ang proseso ng cash distribution.
Ito ay para matulungan ang mga apektadong residente na maka-recover sa naging pinsala ng bagyo at makatulong sa kanila sa pag-repair ng nasira nilang bahay. (DDC)