Pangulong Marcos nakiisa sa paggunita ng kamatayan ni Ninoy Aquino; ipinanawagan ang pagsasantabi sa political differences

Pangulong Marcos nakiisa sa paggunita ng kamatayan ni Ninoy Aquino; ipinanawagan ang pagsasantabi sa political differences

Sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Ninoy Aquino hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sambayanan na magkaisa.

Sa kaniyang mensahe, hinimok ng pangulo ang publiko na isantabi ang political differences at magkaisa para sa ikauunlad ng bansa.

Ayon sa pangulo, sa paninindigan sa kaniyang paniniwala at sa pakikipaglaban para isulong ang tama si Ninoy ay naging mabuting halimbawa sa maraming Filipino.

Ayon sa pangulo, dapat isantabi na ang political barriers na nakahahadlang para makamit ng bansa pag-sulong para sa ikabubuti ng nakararami. 1

Ang pagmamahal aniya sa bansa ay makatutulong upang makamit ang pagkakaroon ng harmonious environment.

Kaugnay nito, hinikayat ng pangulo ang sambayanan na gawing inspirasyon si Ninoy para makamit ang mas inklusibo at progresibong bansa.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9256, ang araw na ito Aug. 21 na araw ng kamatayan ni Ninoy Aquino ay idineklarang Ninoy Aquino Day. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *