PNP tiniyak ang pagsasagawa ng agresibong operasyon kontra e-Sabong
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na masusi nitong binabantayan ang operasyon ng mga e-Sabong sa bansa.
Kasunod ito ng utos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. na tiyaking masasawata ang operasyon ng e-Sabong.
Ayon kay PNP chief, PGEN Benjamin Acorda Jr. magsasagawa ng agresibong law enforcement operation towards para matiyak ang tagumpay laban sa sa e-Sabong operations.
Binalaan din ni Acorda ang lahat ng police commanders na agad gumawa ng aksyon.
Sakaling mapatunayan na sila ay nagpabaya o sangkot sa operasyon, tiniyak ni Acorda na sila ay mananagot. (DDC)