MMDA itinangging inalis ng ahensya ang mga motorcycle lay-by sa EDSA

MMDA itinangging inalis ng ahensya ang mga motorcycle lay-by sa EDSA

Itinanggi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang akusasyon ng Riders Safety Advocates of the Philippines o RSAP na inalis ng ahensya ang mga motorcycle lay-bys sa ilalim ng ilang flyovers sa EDSA.

Ayon sa pahayag ng MMDA, inayos pa nga at pinalaki ang mga motorcycle lay-bys sa EDSA para magamit ng mga rider.

Ibinahagi ng MMDA ang mga larawan ng lay-by areas sa EDSA kung saan makikita ang mas malawak na silungan ng mga motorcycle riders sa ground level ng flyovers sa Ortigas, Santolan, Kamuning, Kamias, at Quezon Ave.

Mayroon ding isinasaayos na motorcycle lay-by sa bahagi naman ng C-5.

Sa bawat lay-by ay mayroon ding ilalagay na libreng repair service para sa mga motorsiklo at bisikleta.

Sinabi ng MMDA na kasinungalingan din ang sinasabi ng RSAP na hinuhuli at pinagmumulta ng P1000 ang mga sumisilong sa lay-bys.

Ayon sa ahensya, libre ang pagsilong at hinihikayat pa nga mga riders na gamitin ang lay-bys para sa kanilang kaligtasan lalo na kung umuulan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *