Mga motorsiklo na dadaan sa bike lane sa EDSA huhulihin ng MMDA

Mga motorsiklo na dadaan sa bike lane sa EDSA huhulihin ng MMDA

Simula sa Lunes, August 21 ay maghihigpit na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bike lane sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa monitoring ng MMDA sa EDSA, napakaraming motorcycle riders ang dumaraan sa bicycle lane.

Sinabi ng MMDA na ang bicycle lane ay inilaan para sa mga cyclists o nagbi-bisikleta at hindi para sa mga motorcycle riders.

Dahil sa pagdaan ng mga motorsiklo sa bike lane, hindi magamit ng mga nagbibisikleta ang lane na inilaan para sa kanila.

Dahil dito ayon sa MMDA, simula bukas, Agosto 21, huhulihin na ang mga nagmomotor na gagamit ng bicycle lane sa EDSA.

Disregarding traffic sign ipapataw na paglabag sa mga rider na may kaakibat na P1,000 multa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *