Final ruling ng SC sa Taguig-Makati territorial dispute, self-executing at hindi na kailangan ng writ of execution

Final ruling ng SC sa Taguig-Makati territorial dispute, self-executing at hindi na kailangan ng writ of execution

Nanindigan ang Taguig LGU na hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang paglilipat ng mga barangay na ayon sa Korte Suprema ay sakop ng hurisdiksyon ng Taguig

Sa isang statement, inalmahan ng Taguig ang sinasabing “initial assessment” ng Office of the Court of Administrator (OCA) na ioinakakalat ng Makati City.

Sa nasabing OCA opinion, isinaad na kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan.

Ayon sa Taguig LGU, ang opinyon ng OCA ay walang force of law at hindi rin ito maaring gamiting batayan para mapigilan ang paglilipat ng mga barangay mula sa Makati patungo sa hurisdiksyon ng Taguig.

“Being a mere opinion, this statement does not have the force of law and does not bind Taguig. SC itself doesn’t issue opinions. How can OCA issue one? In fact, SC simply noted a similar query from DILG”” saad ng Taguig LG.

Dagdag pa ng Taguig LGU, ang opinyon na inilabas ng OCA ay hindi na sakop ng kapangyarihan nito dahil hindi na ito bahagi ng routine administrative matter na dapat nitong pangasiwaan sa mga trial court.

“The matter relating to Taguig exercising its rights as the winning party involves a judicial adjudication. It is definitely not a “routine administrative matter,” giit ng Taguig LGU.

Taliwas din umano ang OCA opinion sa nature at tono ng mismong desisyon na inilabas ng Korte Suprema na self-executing.

“The opinion thus unfortunately encourages delay and even defiance, instead of respect and immediate voluntary compliance, with final and executory judgments of the Supreme Court,” giit ng Taguig.

Tinukoy din ng Taguig ang prinsipyong inilatag ng Korte Suprema sa kaso ng Camarines Norte v Province of Quezon. Sa nasabing kaso, pinuri ng korte ang COMELEC, DBM, DOF at DENR sa pagkilala nito sa desisyon ng hukuman na nasasabing sakop ng Camarines Norte ang siyam na barangay mula sa Quezon.

Kasabay nito, pinatawan ng korte ng contempt ang mga opisyal ng Quezon Province dahil sa pagbalewala sa inisyu nilang final decision.

Dahil dito, pursigido ang Taguig na maghain ng legal remedy para igiit ang kanilang karapatan salig sa desisyon ng korte at ng itinatakda ng batas.

“Taguig shall pursue all legal remedies against those who act to frustrate, obstruct, delay, or defy and contribute to or abet the defiance or delay in the implementation of the Supreme Court’s Decision,” saad sa inilabas na statement ng Taguig.

Matatandaan na dalawang beses nang ibinasura ng SC ang tangka ng Makati City na mairekonsidera ang pinal na desisyon ng SC subalit nanindigan ang mga mahistrado na ang Parcel 3 at 4 sa PSU 2031 na kinabibilangan ng 10 barangay ay nasa legal na hurisdksyon ng Taguig base na rin sa iprinisintang historical, documentary at testimonial evidences. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *