79-anyos na Pinoy kabilang sa nasawi sa wildfires sa Maui, Hawaii

79-anyos na Pinoy kabilang sa nasawi sa wildfires sa Maui, Hawaii

Kinumpirma ng Department of Foreign Affaris (DFA) ang pagkasawi ng isang Pinoy sa wildfires sa Maui, Hawaii.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega, ang nasawi ay ang 79 anyos na si Alfredo Galinato.

Si Galinato ay naturalized US citizen at tubong Ilocos.

Tiniyak naman ni De Vega na inaasistehan na ng Philippine Consulate Office sa Honolulu ang pamilya ni Galinato na naka-base din sa Hawaii.

Sa datos ng DFA, mayroong 200,000 na Pinoy na naninirahan sa Haiwaii. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *