Nonito Donaire muling nakuha ang kaniyang Filipino Citizenship

Nonito Donaire muling nakuha ang kaniyang Filipino Citizenship

Muling nakuha ni World Boxing Champion Nonito Donaire Jr. ang kaniyang Filipino Citizenship.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), naging dual citizen na si Donaire sa ilalim ng Republic Act No. 9225 matapos maisagawa ang Oath of Allegiance sa Philippine Consulate General sa San Francisco.

Kasama ni Donaire sa panunumpa ang kaniyang asawang si Rachel at dalawang anak, batay sa larawang ibinahagi ng DFA.

Ayon kay Donaire, masaya at proud siya ngaong muling nakuha ang Philippine citizenship.

Sinabi ni Donaire na sa tulong ng kaniyang ina ay nakumpleto niya ang mga requirements para makuha ang Philippine citizenship sa Philippine Consulate sa San Francisco.

Binati naman ni Deputy Consul General Raquel Solano si Donaire.

Ayon kay Solano, proud ang Pilipinas sa mga achievements ng boxer.

Ayon sa DFA, ang mga dating natural-born Filipinos na naging naturalized citizen ng US ay maaaring mag-apply ng dual citizenship sa ilalim ng Republic Act No. 9225 gaya ng ginawa ni Donaire. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *