Taguig nanawagan na itigil ang kasinungalingan at pagpapakalat ng maling impormasyon
Nanawagan ang Taguig City Government na itigil ang kasinungalingan at pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
” Stop the lies and the disinformation.๐๐ก๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ซ๐๐ฆ๐ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ญ ๐๐๐๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐๐ฅ๐-๐๐ฑ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ . ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ ๐๐ง๐๐ข๐๐ฌ ๐ก๐๐ฏ๐ ๐ฏ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ฒ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐จ๐ง๐๐จ๐ซ๐ฆ๐๐๐ฅ๐ฒ ๐ญ๐จ ๐ฅ๐๐ฐ,” ayon sa Taguig LGU.
Hindi umano kailangan ng Taguig ang isang Writ of Execution upang ipatupad ang hurisdiksiyon sa Fort Bonifacio Military Reservation na binubuo ng parcels 3 at 4 ng Psu-2031.
Malinaw umanong nakasaad sa desisyon ng SC na ang 10 barangays sa Parcels 3 at 4 ay kumpirmado at deklaradong nasa teritoryong sakop ng Taguig, na fibal at executory.
Dahil dito awtomatiko umanong maaalis ang mga nasabing barangay sa teritoryo ng Makati City.
Sinabi pa ng Taguig na dapat sundin ng Makati at mga opisyal nito ang tapat na pagpapatupad sa ating batas kung saan ang desisyon ng SC ay bahagi ng batas katulad ng marapat na agarang pagrespeto at pagkilala ng lahat ng ahensiya ng gobyerno maging ng mga apektado na boluntaryong ipatupad ang final at executory decisions ng SC.
Ikinalat umano ng Makati ang sinasabing โinitial assessmentโ mula sa Office of the Court Administrator (OCA) ng Supreme Court na naka-address sa Executive Judge ng RTC Makati kung saan ang opinyon sa “desisyon ng SC” ay mayroong writ of execution bago ang pagdinig sa korteng pinagmulanโ na ipatutupad ng DILG.
Nilinaw ng Taguig na ang nasabing opinyon at pahayag ay walang puwersa sa batas at hindi nagbubuklod sa Taguig.
” The Supreme Court has said that it does not issue advisory opinions. How can the OCA issue one ?,” tanong pa ng Taguig.
Ipinapatupad lamang umano ng Taguig ang kanyang mga karapatan bilang nanalong partido na kasali sa legal na hatol ng korte. (Bhelle Gamboa)