31K na estudyante, 32K na magulang at guardians nakinabang sa “Tara, Basa! Tutoring Program” ng DSWD
Umabot na sa 31,000 na estudyante at 32,000 na magulang ang nakinabang sa “Tara, Basa! Tutoring Program” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD, inumpisahan na ang nasabing programa kung saan ang mga incoming Grade 2 students na hirap pang magbasa ay isinasailaim sa tutoring program.
Kasama din sa programa ang pagbibigay ng learning sessions sa mga parent at guardians na nangangailangan nito.
Simula ng umpisahan ang programa noong August 14, sinabi ng DSWD na umabot na sa 31,335 na non-reader students sa public elementary schools sa Metro Manila ang nabigyan ng reading sessions.
Samantala, 32,136 na non-reader na magulang at guardians din ang sumailalim sa “Nanay-Tatay teacher sessions”.
Sa ilalim ng programa, pawang mga 2nd to 4th year college students mula sa piling unibersidad at colleges at mga local government-run universities sa NCR ang nagsisilbing tutor bilang mga Youth Development Workers (YDWs). (DDC)