Duplicate entries sa mga benepisyaryo ng 4Ps natugunan na ng DSWD

Duplicate entries sa mga benepisyaryo ng 4Ps natugunan na ng DSWD

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naisaayos na nito ang pagkakaroon ng duplicate entries sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Dahil sa pagkakaroon ng duplicate entries, umabot sa P7 million na halaga ng overpayment ang naitala ng DSWD para sa nasabing programa noong taong 2020 at 2021.

Ayon kay Asst. Secretary Romel Lopez, na siya ring tagapagsalita ng DSWD, nakumpleto na ng 4Ps National Program Management Office (NPMO) at ng National Household Targeting Office (NHTO) ang validation process para sa 316 mula sa 370 households na napasama sa Commission on Audit (COA) 2022 report.

Sa 316 households mayroong 186 households o 58.68 percent ang napatunayang duplicates.

Ang nasabing bilang ayon sa DSWD ay agad tatanggalin sa listahan ng 4Ps.

Batay sa inilabas na report ng COA, mayroong overpayments ang DSWD sa 229 at 139 4Ps beneficiaries noong 2020 at 2021 dahil sa doble-dobleng pangalan na nasa listahan.

Ipinaliwanag ng DSWD na ang listahan ng beneficiaries para sa 4Ps ay pinipili mula sa database ng mga bahay na nasa below poverty line o tinatawag na “Listahanan”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *