Baliguian, Zamboanga Del Norte niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Zamboanga Del Norte.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 27 kilometers northwest ng bayan ng Baliguian, 1:15 ng madaling araw ng Biyernes, Aug. 18.
May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito magdudulot ng aftershock. (DDC)