Regional Offices ng DSWD inatasang magtipid sa pagsasagawa ng workshops, seminars, trainings at iba pang official activities

Regional Offices ng DSWD inatasang magtipid sa pagsasagawa ng workshops, seminars, trainings at iba pang official activities

Inatasan ni Department of Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian ang lahat ng regional offices ng ahensya na magtipid sa pagsasagawa ng workshops, seminars, trainings at iba pang official activities.

Nagpalabas ng memorandum ang kalihim para iutos ang pagtitipid sa mga idinadaos na aktibidad matapos audit observation ng Commission on Audit (COA) sa paggasta ng ng mga tanggapan sa ilalim ng DSWD.

Batay sa findings ng COA, maraming regional office ng DSWD ang gumastos ng kabuuang P3.059 billion para sa meals at hotel accommodations.

Nakasaad sa COA report na ang DSWD Field Office sa Calabarzon ay guamstos ng mahigit P1.2 million habang ang MIMAROPA ay gumastos ng mahigit P267,000 para sa meals at snacks sa mga ipinatatawag na pagpupulong.

Ang field office naman ng DSWD sa Davao Region ay gumastos ng P1.429 million para sa pagkain at hotel accommodation sa mga idinaos na training at seminar.

Dahil dito, iniutos ni Gatchalian sa lahat ng field office ng DSWD na sundin ang guidelines sa budget parameters para sa fiscal year 2023 sa pagsasagawa ng mga workshops, seminars, trainings, conferences, at iba pang official activities. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *