LTO-Bicol nagbabahay-bahay para maipamahagi ang replacement plates
Pinapurihan ni Land Transportation Office chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang inisyatiba ng LTO Bicol na dalhin na sa bahay-bahay ang pamamahagi ng replacement plate ng mga motorista gayundin ang paggamit sa mga mall para sa releasing ng mga license plate.
Ang pagbabahay-bahay at paggamit sa mga mall sa rehiyon para maibigay ang lincense plates sa mga may-ari nito ay alinsunod sa direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista upang mapabilis ang pamamahagi ng mga hindi pa nakukuhang plaka ng sasakyan.
Ang LTO Bicol ay naglunsad ng “Plate Distribution Caravan” na sinimulan ng Agosto 17 at tatagal hanggang 24 sa mga mall tulad ng SM City Legazpi, Robinsons Mall Naga, SM Daet, Virac Town Center, Gaisano Mall Masbate, at SM City Sorsogon.
Ginagawa din ang pagbabahay-bahay para maipamahagi ang mga replacement plate. (DDC)