14 EMBO schools pangangasiwaan muna ng DepEd
Pamamahalaan muna ng Department of Education (DepEd) ang labingapat na paaralan na apektado ng desisyon ng Korte Suprema sa teritorial dispute sa pagitan ng Makati City at Taguig City.
Ayon sa pahayag ng DepEd, para kapakanan ng mga mag-aaral at guro ang Office of the Secretary ng kagawaran muna ang mangagasiwa sa mga paaralan.
Ang tinutukoy ng DepEd ay ang mga paaralan mula sa EMBO Barangays na nasakop na ng Taguig batay sa SC decision.
Ang kautusan ng DepEd ay habang nakabinbin pa ang transition plan sa pagitan ng dalawang LGUs.
Una ng iginiit ng Makati City LGU na hindi kasama ang nasabing mga paaralan sa magiging pag-aari na ng Taguig kung pagbabatayan ang SC decision.
Habang naninindigan naman ang Taguig na ito na ang mangangasiwa sa labingapat na paaralan sa EMBO. (DDC)