DA, DTI inatasan ni Pangulong Marcos na bantayan ang presyo ng bigas sa merkado

DA, DTI inatasan ni Pangulong Marcos na bantayan ang presyo ng bigas sa merkado

Masusing pinababantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang presyo ng bigas kasunod ng mga ulit na muling pagtaas nito sa mga pamilihan.

Binalaan din ng pangulo ang mga hoarder na hahabulin sila ng gobyerno.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), iginiit ng pangulo na mayroong sapat na suplay ng bigas sa bansa.

Ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA), ang mga retailers ay nagbebenta ng bigas sa halagang P38 hanggang P40 kada kilo.

Habang ang iba ay may nagbebenta din ng P50 per kilo.

Sinabi ng PCO na inatasan ng pangulo ang DA at ang Department of Trade and Industry (DTI) na masusing bantayan ang presyo ng bigas sa mga pamilihan sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *