393 YouTube Channels ng mga kandidato napagkalooban na ng ‘verified badge’ ng Comelec
Beripikado na ang aabot sa 393 na YouTube Channels ng mga kandidato para sa 2022 national and local elections.
Ayon sa Comelec, dumaan sa pagsusuri ng poll body ang mga YouTube Channels ng mga kandidato para masigurong credible ang pagkukunan ng impormasyon ng publiko.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, lahat ng mga kandidato sa national at loca, kabilang ang mga party-list groups at political parties ang nagsumite ng kanilang YouTube channel sa Comelec at ang mga ito ay napagkalooban na ng “verified badge”.
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10730, ang mga website at iba pang social media platforms na ginagamit para sa pag-endorso ng kandidat ay dapat rehistrado sa Comelec. (DDC)