Suspendidong si Cong. Arnie Teves Jr. pinatalsik na sa Kamara

Suspendidong si Cong. Arnie Teves Jr. pinatalsik na sa Kamara

Pinatawan na ng expulsion ng Kamara si Negros Oriental Rep. Anolfo “Arnie” Teves Jr.

Sa botong 265-0 at may 3 abstentions, tuluyang napatalsik sa Kamara si Teves.

Ang pasya ng house plenary ay kasunod ng rekomendasyon ng House Committee on Ethics sa pamumuno ni Coop-NATCO party-list Rep. Felimon Espares.

Ayon sa committee report, dahil sa mahabang “unauthorized absence” sa Kamara ni Teves, ay hindi nabibigyan ng nararapat na representasyon ang ikatlong distrito ng Negros Oriental.

Sinabi sa report ng komite na sa halip na lumahok sa mga deliberasyon sa Kamara ay patuloy na tumatanggi si Teves na bumalik ng bansa.

Si Teves ay itinuturing nasa likod ng pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Patuloy itong nananatili sa ibang bansa at ang binabanggit niyang dahilan ay ang pangamba para sa kaniyang kaligtasan at kaligtasan ng kaniyang pamilya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *