FIBA games na naka-schedule sa Okinawa, posibleng mailipat sa Pilipinas
Posibleng malipat sa Pilipinas ang mga basketball games na nakatakda sanang gawin sa Okinawa, Japan para sa 2023 FIBA World Cup.
Ito ay dahil sa inaasahang hindi magandang panahon sa Okinawa dahil sa bagyo.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kung tatama ang bagyo sa Japan, ang mga laro na naka-schedule na ganapinsa Okinawa ay ililipat sa Pilipinas.
Maliban sa apat na groups na mga laro ay gaganapin dito sa Pilipinas, ang Okinawa at Jakarta ay may kani-kaniya ding groups at may schedule ng FIBA games na gaganapin sa kanilang Arena.
Sa ngayon pinaghahandaan na ng SBP ang posibilidad na ang mga laro para sa groups E at F ay mailipat sa Pilipinas.
Kung sakali ayon kay Panlilio, gaganapin ito sa Smart Araneta Coliseum at sa Mall of Asia Arena. (DDC)