DILG, Comelec pinag-uusapan na ang eleksyon para sa mga bagong barangay na nasakop ng Taguig City

DILG, Comelec pinag-uusapan na ang eleksyon para sa mga bagong barangay na nasakop ng Taguig City

Nakikipagtulungan na ang Department of the Interior and the Local Government (DILG) sa Commission on Elections (Comelec) para mapaghandaan ang papalapit na eleksyon sa mga bagong barangay na sakop ng Taguig City.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, kasunod ito ng September 2022 decision ng Supreme Court kung saan nakasaad na ang EMBO Barangays sa Makati ay bahagi ng Taguig.

Sinabi ni Abalos na noong Mayo, nagpadala na ng liham ang DILG sa Supreme Court para humingi ng guidance sa pagpapatupad ng SC decision.

Habang naghihintay ng instructions mula sa SC, sinabi ni Abalos na mayroon ng transition teams ang ahensya ahensya para masolusyonan ang territorial change.

Sinabi ni Abalos na nagkasundo sila ni Comelec Chairman George Garcia na agad ng gumawa ng mga hakbang lalo at kapos na sa panahon dahil malapit na ang Barangay at SK elections.

Samantala, maliban sa usapin sa eleksyon, inaayos na din ng DILG ang usapin sa teritoryo para sa kanilang attached agencies.

Kabilang dito ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP) upang marebisa ang kanilang areas of responsibility at reporting lines. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *