LRT-1 magpapatupad ng half-day operations sa Aug. 20
Half-day lamang ang magiging operasyon ng LRT-1 sa araw ng Linggo, August 20.
Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ipatutupad ang half-day operations sa buong linya ng LRT-1 sa nasabing petsa.
Walang operasyon sa umaga mula 4:30am hanggang 11:59am.
Magsisimula lamang ang normal na operasyon ng tren sa LRT-1 alas 12:00 ng tanghali.
Ang last train schedule ay 9:30pm sa LRT-1 Baclaran Station at 9:45pm sa LRT-1 Roosevelt Station.
Ito ay upang bigyang-daan ang patuloy na isinasagawang signaling system upgrade sa buong linya na bahagi ng preparasyon para sa LRT-1 Cavite Extension.
Inabisuhan ng LRMC ang mga pasahero na planuhin ng maaga ang kanilang biyahe. (DDC)