50-Year Metro Manila Drainage Master Plan aprubado na ng World Bank
Aprubado na sa World Bank ang binubuong 50-Year Metro Manila Drainage Master Plan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Katuwan ng MMDA sa nasabing proyekto ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba’t ibang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng scoping at inventory ang ahensiya para matukoy kung anong mga LGU na sa Metro Manila ang mayroong master plan at kung paano ito i-integrate sa comprehensive master plan.
Dahil sa 50 taon ang plano, ikinokonsidera ng ahensiya ang weather pattern, sea level, at projected rainfall para siguradong epektibo at tatagal ng limang dekada ang plano.
Bahagi ito ng Metro Manila Flood Management Project na inasistihan ng World Bank at layong mabawasan ang pagbaha sa NCR. (DDC)