DOLE pinaalalahanan ang mga employer sa tamang pagpapasweldo sa August holidays

DOLE pinaalalahanan ang mga employer sa tamang pagpapasweldo sa August holidays

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer hinggil sa tamang pagpapasweldo sa mga holiday ngayong buwan ng Agosto.

Ang August 21 – Ninoy Aquino Day ay deklaradong special non-working holiday habang ang August 28 ay National Heroes Day.

Sa Labor Advisory na inilabas ng DOLE, para sa August 21, Ninoy Aquino Day para sa mga empleyado na hindi papasok sa trabaho ay iiral ang “no work, no pay” policy maliban na lamang kung mayroong favorable company policy, practice, o collective bargaining agreement (CBA).

Kung ang empleyado naman ay pumasok sa trabaho sa nasabing petsa, makatatanggap ito ng dagdag na 30 percent ng kaniyang basic wage sa unag walong oras ng trabaho.

Para naman sa overtime work, tatanggap pa ang empleyado ng dagdag na 30 percent ng kaniyang hourly rate.

Para naman sa mga empleyado na papasok sa trabaho sa August 28, National Heroes Day, tatanggap ito ng 200 percent ng kaniyang sweldo sa unang walong oras sa trabaho.

Kung hindi papasok sa trabaho ay dapat bayad pa din ang kaniyang 100 percent na sweldo.

Ang mga empleyado na mag-oovertime ay dapat bayaran pa ng dagdag na 30 percent sa kaniyang hourly rate.

Iba pa din ang computation ng sweldo kapag ang Aug. 28 ay natapat na rest day ng empleyado pero kailangan niyang pumasok sa trabaho. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *