DSWD nagbabala sa kumakalat na pekeng text message tungkol sa ayuda para sa senior citizen
Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko sa ipinakakalat na text message hinggil sa umano ay ayuda para sa mga senior citizen.
Ayon sa pahayag ng DSWD, hindi totoo ang kumakalat na text message na ang lahat ng senior citizen ay makatatanggap ng P1,000 kada buwan o P3,000 kada tatlong buwan sa ilalim ng National Commission for Senior Citizen (NCSC).
Ipinaliwanag ng DSWD na ang social pension ng pamahalaan ay ibinibigay lamang sa mga mahihirap at kuwalipikadong senior citizens sa bansa.
Sa ngayon, P500 kada buwan ang natatanggap ng mga social pensioner sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program.
Ang karagdagang pondo para maging P1,000 ang monthly pension ay kasalukuyang pinapaaprubahan para sa 2024 National Budget.
Paalala ng DSWD sa publiko, mag-ingat sa pagkalat ng fake news. (DDC)