Dagdag singil sa toll sa CAVITEX epektibo na sa Aug. 21
Simula sa Lunes, August 21 ay ipatutupad na ang dagdag singil sa toll sa CAVITEX o Manila-Cavite Toll Expressway.
Sa abiso ng CAVITEX, sa nasabing petsa ipatutupad ang bagong toll fee sa CAVITEX R1 o Parañaque Toll Plaza at R1 Extension o Kawit Toll Plaza.
Narito ang magiging bagong toll fee sa CAVITEX:
Sa CAVITEX R1:
Class 1 – P35.00
Class 2 – P70.00
Class 3- P104.00
Sa CAVITEX R1 Extension:
Class 1 – P73.00
Class 2 – P146.00
Class 3- P219.00
Ang dagdag singil sa toll ay kasunod ng pag-apruba ng Toll Regulatory Board sa petisyon na inihain ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) at joint-venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA).
Ayon sa CAVITEX, kailangan ang pagtataas sa toll rates para sa maintenance at matiyak ang ligtas at de kalidad na expressway.
Samantala, sinabi ng pamunuan ng CAVITEX na maaaring gamitin ng mga PUV drivers at operators ang Abante Card program para sa Class 1 at Class 2 na sasakyan.
Gamit ang Abante Card, ang mga PUV driver at operator ay maaari pa ring magbayad ng dating toll rates sa loob ng tatlong buwan. (DDC)