Consular outreach isasagawa sa Maui, Hawaii para matulungan ang mga apektado ng wildfires
Magsasagawa ng consular outreach ang Philippine Consulate General in Honolulu sa Maui, Hawaii.
Ito ay para matulungan ang mga Pinoy na naapektuhan ng wildfires.
Ayon sa abiso ng konsulada, magkakaloob ng passport service at assistance-to-nationals sa mga apektadong Pinoy.
Isasagawa ang aktibidad sa tanggapan ng Maui Immigrant Services Division sa Wailuku.
Tatagal ang outreach hanggang sa araw ng Miyerkules, Aug. 16.
Paiiralin ang first come, first service basis sa mga aplikante na nais maka-avail ng serbisyo. (DDC)