Toxic-free at waste-free na Brigada Eskwela, panawagan ng grupong BAN Toxics

Toxic-free at waste-free na Brigada Eskwela, panawagan ng grupong BAN Toxics

Sa nalalapit na pagbubukas ng klase mas pinalakas pa ng toxic watchdog na BAN Toxics ang kampanya nito para matiyak na ang mga estudyante at mga guro ay ligtas sa toxic exposure.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, nakiisa ang kanilang grupo at ang pamunuan ng Toro Hills Elementary School (THES) sa Quezon City sa paglulunsad ng Toxic-Free at Waste-Free Brigada Eskwela.

Sa nasabing aktibidad, nasa 500 mag-aaral, guro, magulang, local officials, at community partners ang nakiisa kung saan nilagdaan ang Memorandum of Understanding para sa Toxic-Free and Waste-Free School Program (TFSP) sa pagitan ng THES at Ban Toxics.

Ayon kay Antonio Miranda, Principal ng Toro Hills Elementary School, mahalaga ang papel ng stakeholders at non-government organizations gaya ng BAN Toxics para sa promsyon ng ligtas at malusog na school environment para sa mga mag-aaral at guro.

Ang kampanya para sa Toxic-Free and Waste-Free School Program (TFSP) ay inumpisahan ng BAN Toxics noong 2014.

Ayon sa BAN Toxics, ilan lamang sa mga toxic chemicals na maaaring mayroon sa mga paaralan ay ang lead, mercury, phthalates, cadmium, at arsenic.

Ang pagkakalantad sa ganitong mga kemikal ay delikado sa kalusugan ng mga estudyante at school personnel.

Layunin din ng programa na ipromote ang tamang waste management sa pamamagitan ng maayos na waste segregation. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *