Panukalang ibalik sa dati ang schedule ng pagbubukas ng klase, piang-aaralan ng DepEd

Panukalang ibalik sa dati ang schedule ng pagbubukas ng klase, piang-aaralan ng DepEd

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang mga panukala na ibalik sa dati ang schedule ng pagbubukas ng klase.

Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tanong kung suportado ba niya ang panukalang ibalik sa pre-pandemic schedule ang petsa ng pagsisimula ng School Year.

Ayon sa pangulo, ang nasabing usapin ay tinatalakay na ng mga opisyal ng DepEd at mga educators.

Sinabi ng pangulo na nabago ang pagsisimula ng school year dahil sa pandemya ng COVID-19.

At ngayong panahon na ito, ang epekto naman ng climate change ang kailangang ikonsidera sa petsa ng pagbubukas ng klase.

Aminado ang pangulo na sa schedule ng pagsisimula ng klase ngayon ay nakararanas ng mainit na panahon at may mga insidente pa na may mga bata ang hinihimatay.

Sinabi ng pangulo na sa pagpapasya ng pamahalaan ay pangunahing prayoridad ang kapakanan ng mga bata, guro at non-teaching staff. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *