Planong itaas ang sweldo at benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno, inanunsyo ng DBM

Planong itaas ang sweldo at benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno, inanunsyo ng DBM

Inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang planong itaas ang salary structures, allowances, at iba pang benepisyo ng na tinatanggap ng mga empleyado ng gobyerno.

Ayon sa kalihim, naglaan ng P48 million para sa inaprubahang Governance Commission for GOCCs (GCG) budget ngayong taon.

Sinabi ni Pangandaman na may direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magsagawa ng pag-aaral upang matiyak na ang sweldo ng lahat ng civilian government personnel ay magiging generally competitive kung ikukumpara sa mga nagtatrabaho sa pribadong sektor.

Ani Pangandaman, ito ay para mahikayat din ang publiko na pumasok sa gobyerno at upang ma-motivate naman ang mga kasalukuyang empleyado ng gobyerno na mas magsipag pa at magtrabaho ng maayos.

Naglaan din ang DBM ng P1.368 billion sa National Expenditure Program (NEP) para sa Fiscal Year 2024 upang mapondohan ang dagdag na P1,000 sa uniform o clothing allowance ng mahigit 1.3 million na government employees.

Magugunitang noong Enero, ipinatupad ang ikaapat at last tranche ng salary increase para sa mga empleyado ng gobyerno.

Ito ay sa ilalim ng Republic Act 11466 o ang Salary Standardization Law of 2019. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *