Blended learning ipatutupad sa mga paaralan na hindi pa nakukumpuni matapos ang pinsala ng bagyong Egay

Blended learning ipatutupad sa mga paaralan na hindi pa nakukumpuni matapos ang pinsala ng bagyong Egay

Magpapatupad muna ng blended learning sa mga paaralan na hindi pa natatapos ang repair matapos masalanta ng bagyong Egay.

Ayon kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte, prayoridad ng DepEd na paglaanan ng pondo ang pagkukumpuni sa mga paraalan na nasira nitong nagdaang bagyo.

Gayunman, hindi aniya sapat ang panahon upang matapos ang pagkukumpuni bago ang pagsisimula ng klase sa Aug. 29.

Dahil dito, sinabi ni Duterte na magpapatupad muna ng blended learning sa mga paaralan na kukulangin ang silid-aralan.

“Ang mga hindi aabot ang repair by Aug. 29
magpapatupad ng blended learning program. So, tuloy ang pag-aaral kahit may problem sa classroom,” ani Duterte.

Aminado din si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi sapat ang panahon upang matapos ang repair sa mga nasirang classroom dahil sa bagyong Egay.

Sina Pangulong Marcos at VP Duterte ay dumalo sa idinaos na Brigada Eskwela sa V. Mapa High School sa Maynila araw ng Lunes, Aug. 14. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *