PBBM, VP Sara nagpintura ng silya sa isinagawang Brigada Eskwela sa V. Mapa High School
Nakiisa sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio sa idinaos na Brigada Eskwela sa Victorino Mapa High School sa Barangay San Miguel, sa Maynila.
Tumulong ang pangulo at si Duterte sa pagpipintura sa mga silya sa silid-aralan.
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Aug. 29, 2023.
Ang Brigada Eskwela ngayong taon ay may temang ‘Bayanihan para sa Matatag na Paaralan’.
Sa anim na araw na aktibidad para sa Brigada Eskwela, tulung-tulong ang mga magulang, guro, school personnel, alumni, civic groups, non-government organizations (NGOs), local government units (LGUs), private individuals at students volunteer sa paglilinis sa mga paaralan.
Maliban sa paglilinis, inaayos din ang mga sirang upuan na maaari pang magamit. (DDC)