Magulang binalaan sa pagbili ng school supplies na nagtataglay ng nakalalasong lead

Magulang binalaan sa pagbili ng school supplies na nagtataglay ng nakalalasong lead

Hinikayat ng Toxic watchdog group na BAN Toxics ang mga magulang na maging maingat sa pagbili ng school supplies ng kanilang mga anak.

Sa isinagawa kasing market surveillance ng grupo sa mga school supplies sa mga kilalang palengke, natuklasan na nagtataglay ng toxic lead ang ilan sa mga gamit.

Ang lead ay maaaring makaapekto sa body systems at masama sa kalusugan ng mga bata.

Dahil sa nalalapit na pagsisimula ng klase, nagsagawa ang BAN Toxics ng test buy ng school supplies sa Divisoria sa Maynila.
Kabilang sa binili ng grupo ang kiddie backpacks, crayons, pastel colors, pencils, pencil cases, at water containers.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, gamit ang aparato, natuklasan na ang mga school supplies ay may lead content.

Kabilang dito ang kiddie water container na may mataas na concentration ng lead na aabot sa 24,500 parts per million (ppm).

Karamihan din sa nabiling school supplies ay hindi nagtataglay ng kumpletong product information.

Sa ilalim ng Chemical Control Order (CCO) for Lead and Lead Compounds na inilabas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng lead sa mga school supplies para maprotektahan ang mga bata.

Ayon sa BAN Toxics, ang lead ay maaaring makaapekto sa brain development at maaring makapagpababa sa intelligence quotient (IQ).

Kaugnay nito ay hinikayat ni Dizon ang pamahalaan at local authorities na maglagay ng “Consumer Action Centers” sa mga public markets at malls para sa on-site consumer-related assistance kabilang ang product standard and safety. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *