22 reclamation projects sa Manila suspendido lahat ayon sa DENR
Suspendido na ang lahat ng reclamation project sa Manila Bay ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, sumasailalim ngayon sa review ang 22 reclamation projects sa Manila Bay.
Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroong problema sa implementasyon ang mga reclamation projects.
Sinabi ni Loyzaga, na nagsasagawa na ng impact assessment ang DENR sa naturang mga proyekto. (DDC)