Bagong BuCor Deputy Director itinalaga ni PBBM
Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong Deputy Director for Operations ng Bureau of Corrections (BuCor) ng sa katauhan ni Gil Tisado Torralba.
Ang kautusan na may petsang Agosro 7 ay natanggap na ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. mula sa tanggapan ni Department of Justice Secretary Crispin Remulla.
Winelcome ni Catapang ang pagkakatalaga ni Torralba lalo na ngayong ipinapatupad ang mas istriktong seguridad para protektahan ang buhay at karapatang pantao ng persons deprived of liberty gayundin ang pag-aaral sa proseso ng mga pribilehiyong ipinagkaloob sa PDLs.
“As guided by the on going investigation in congress, we are presently reviewing the privileges granted to PDLs starting with the visitations, food deliveries, remittances and accounting of our PDLs, while balancing the right to life and the right to health of PDLs,” ani Catapang.
Tinitignan na rin ang lalo pang pagpapabuti sa BuCor at ang pagkakatalaga ni Toralba ay magbibigay ng malaking tulong dahil sa kanyang karanasan bilang dating police superintendent at provincial warden.
Nagpapatuloy ang paglilinis sa hanay ng BuCor at isinasailalim sa mga training at seminar ang mga tauhan ng ahensiya upang magkaroon ng integridad,dedikasyon sa serbisyo at matapang na tumanggi sa korapsyon. (Bhelle Gamboa)