138 toneladang basura nahakot ng MMDA sa Manila Bay clean-up drive

138 toneladang basura nahakot ng MMDA sa Manila Bay clean-up drive

Nakahakot ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 138 na tonelada ng basura sa isinagawang clean-up operation sa Manila Bay mula Hulyo 1 hanggang Agosto 5.

Kabilang rito ang sari-saring basura na inanod patungo sa pampang ng Manila Bay dahil sa malakas na ulan dala ng ilang bagyo at habagat noong mga nakaraang linggo .

Panawagan ng MMDA sa publiko na maging responsableng tagapangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga basura sa tamang lugar at pagre-recycle ng basura na maaari pang mapakinabangan.

Auon pa sa ahensiya, iwasan ang pagtatapon kung saan-saan na maaaring mapunta sa Manila Bay. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *