Roadworks sa ilang bahagi ng NCR, mall-wide sales ipagbabawal mula Aug. 17 hanggang Sept. 10

Roadworks sa ilang bahagi ng NCR, mall-wide sales ipagbabawal mula Aug. 17 hanggang Sept. 10

Susupendihin ang roadworks sa ilang bahagi ng Metro Manila mula Aug. 17 hanggang Sept. 10.

Ito ay para makabawas sa pagsisikip sa daloy ng traffic paran sa idaraos na FIBA
World Cup.

Sa inilabas na Memorandum Circular ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga road works gaya ng reblocking, utility works, pipe laying, road upgrading, at excavation works ay ipagbabawal muna sa sumusunod na lansangan:

1. EDSA Monumento to SM MOA
2. Kalayaan Avenue, C5 Road to EDSA
3. Kahabaan ng Diokno Boulevard
4. P. Ocampo St., Taft Avenue to Roxas Boulevard
5. Roxas Boulevard, NIA Road to UN Avenue
6. Along Meralco Avenue
7. Ortigas Avenue, EDSA to C5 Road
8. EDSA North Avenue to Agham Road

Ipagbabawal din ng MMDA ang pagsasagawa ng mall-wide sales sa kahabaan ng EDSA sa nasabing petsa.

Ang naturang kautusan ng MMDA ay para matiyak ang maayos na daloy ng traffic sa mga lansangan sa Metro Manila sa kasagsagan ng FIBA World Cup 2023.

Ilang laro sa FIBA ang gagawin sa NCR kabilang ang sa Smart Araneta Coliseum at MOA Arena at sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ang kopya kautusan ng MMDA ay ipinadala sa Department of Public Works and Highways-NCR Engineering Districts, local government units, utility companies, contractors, at shopping mall operators. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *