DOH naglabas ng updated guidelines sa paggamit ng vaccine certificates

DOH naglabas ng updated guidelines sa paggamit ng vaccine certificates

Nagpalabas ng updated guidelines ang Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Bureau of Quarantine (BOQ) para sa paggamit ng vaccine certificates.

Ayon sa DOH, para sa international arrivals, hindi na required ang pagpapakita ng vaccination status at vaccination certificate para sa COVID-19.

Lahat ng international travelers na darating sa bansa ay kailangang papasukin anuman ang kanilang vaccination status.

Para naman sa mga umaalis na international travelers, ang vaccination requirements ay depende sa kanilang country of destination.

Inirekomenda ng DOH na alamin muna ng mga biyahero ang requirements sa pupuntahang bansa.

Para naman sa mga OFW at seafarers, ang pag-iisyu ng International Certificate of Vaccination para sa Prophylaxis, Yellow Fever Vaccine at iba pang vaccinations auy depende sa kung ano ang requirement ng kanilang ahensya o kumpanya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *