LTO target hingin ang tulong ng mga mall para sa pamamahagi ng unclaimed license plates

LTO target hingin ang tulong ng mga mall para sa pamamahagi ng unclaimed license plates

Plano ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na kuhanin ang serbisyo ng malls para sa pamamahagi ng unclaimed license plates.

Ito ay kasunod ng direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na madaliin ang pamimigay ng hindi pa nakukuhang license plates.

Sinabi ni Mendoza na kukunin ang serbisyo ng mga mall para sa distribution system ng mga plaka.

Maaari ding magkaroon ng appointment scheme para sa maayos na pamamahagi at pag-iisyu ng license plates.

“We are now looking at the distribution system, kausap natin ‘yung mga dealers, and malls na pwede rin silang point of distribution not necessarily our own district offices kasi baka ma-overwhelm eh,” ani Mendoza.

Samantala, magtatalaga din ng “mystery applicants” ang LTO para maberipika ang mga impormasyon na ginagamit umano ang distribution process para pagkakitaan.

Base sa natanggap na impormasyon ni Mendoza, may mga driver na hinihingan ng P200 para makuha nila ang plaka ng sasakyan ng hindi na pipila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *