Proklamasyon ni Romeo Jalosjos Jr. bilang kongresista ng 1st district ng Zamboanga del Norte, pinawalang bisa ng SC

Proklamasyon ni Romeo Jalosjos Jr. bilang kongresista ng 1st district ng Zamboanga del Norte, pinawalang bisa ng SC

Idineklara ng Korte Suprema bilang nanalong kongresista ng 1st district ng Zamboanga del Norte si Roberto Uy, Jr.

Sa desisyon ng SC pinawalang bisa din nito ang proklamasyon kay Cong. Romeo Jalosjos, Jr.

Sa rekord ng kaso, si Roberto “Pinpin” Uy, Jr. ay tumakbo sa 2022 elections para sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Zamboanga del Norte.

Kalaban ni Uy sa eleksyon sina Romeo “Kuya Jonjon” Jalosjos, Jr., Frederico “Kuya Jan” Jalosjos at Richard Amazon. They

Pagkatapos ng bilangan, nakuha nila ang sumusunod na mga boto:

Uy – 69,591
Romeo Jalosjos – 69,109
Frederico Jalosjos – 5,424 Amazon – 288

Pero bago ang eleksyon, naghain si Romeo Jalosjos ng petisyon para maideklarang nuisance candidate si Frederico Jalosjos.

Noong Apr. 2022 ay idineklara ng Comelec bilang nuisance candidate si Frederico at ang botong nakuha nito na 5,424 ay ibinilang kay Romeo kaya ito naideklarang nanalong kongresista sa 1st district ng Zamboanga del Norte.

Sa desisyon ng Supreme Court, sinabi nitong may iregularidad sa kautusan ng Comelec na nagsuspinde sa proklamasyon ni Uy at sinabing ang kandidato na nakakuha ng pinakamataas na boto ang dapat iproklama.

Sa En Banc deliberations, inatasan ng SC ang Comelec na agad iproklama si Roberto ‘Pinpin’ T. Uy, Jr. bilang nanalong kandidato noong 2022 elections. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *