Alert Level 3 itinaas ng DFA sa Libya; voluntary repatriation sa mga Pinoy ipatutupad

Alert Level 3 itinaas ng DFA sa Libya; voluntary repatriation sa mga Pinoy ipatutupad

Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 3 sa Libya.

Sa inilabas na Situation Bulletin ng DFA, sa ilalim ng Alert Level 3 ay magpapatupad ng voluntary repatriation sa mga Pinoy sa nasabing bansa.

Ang Alert Level 3 ayon sa DFA ay iiral sa buong Libya.

Noong 2019, unang isinailalim sa Alert Level 4 ang bahagi ng 100 kilometer radius ng Tripoli kung saan ipinatupad ang mandatory repatriation. Habang pinairal naman ang Alert Level 2 sa iba pang bahagi ng Libya.

Sa datos ng DFA, mayroong 2,300 overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya na nasa ligtas at maayos na kondisyon.

Karamihan sa kanila ay mga veterans of conflict at nakaligtas sa civil wars noong 2011 at 2014 hanggang 2020. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *