PSA nakapagtala ng 2.33 million na unemployed Filipinos noong Hunyo
Nadagdagan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong buwan ng Hunyo kumpara noong buwan ng Mayo.
Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 4.5 percent unemployment rate noong Hunyo.
Kumakatawan ito sa 2.33 million na bilang ng jobless para sa nasabing buwan.
Mas mataas ito kumpara sa 4.3 percent unemployment rate noong buwan ng Mayo o 2.17 million na unemployed.
Tumaas din sa 12 percent ang underemployment rate noong Hunyo kumpara sa 11.7 percent lamang noong Mayo.
Nangangahulugan ito na noong Mayo ay mayroong 5.87 million na manggagawa na underemployed.
May naitala namang 48.84 million na employed Filipinos o katumbas ng 95.5 percent na employment rate. (DDC)